Search Clinical Content Search Health Library
A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z A-Z Listings

Kapag Mayroong Pharyngitis o Tonsillitis ang Iyong Anak

Masakit ang lalamunan ng iyong anak. Ito ay malamang dahil sa pamumula at pamamaga (inflammation) ng lalamunan. Dalawang bahagi ng lalamunan ang pinakamadalas na apektado. Ang mga ito ay ang pharynx at mga tonsil. Ang pamamaga ng pharynx (pharyngitis) at pamamaga ng mga tonsil (tonsilitis) ay labis na karaniwan sa mga bata. Sinasabi sa iyo ng pahinang ito kung ano ang maaari mong gawin para mabawasan ang pananakit ng lalamunan ng iyong anak.

Harap na kuha ng mukha na may nakabukas na bibig na ikinukumpara ang oral cavity at mga tonsil na may namamagang lalamunan at lumaking mga tonsil.

Ano-ano ang sanhi ng pharyngitis o tonsilitis?

Pinakakaraniwan, ang pharyngitis at tonsilitis ay sanhi ng impeksiyon ng virus o bakterya.

Ano-ano ang mga sintomas ng pharyngitis o tonsilitis?

Ang pangunahing sintomas ng parehong kondisyon ay isang namamagang lalamunan. Ang iyong anak ay maaari ding mayroong lagnat, pamumula o pamamaga ng lalamunan, at problema sa paglunok. Maaari kang makaramdam ng mga bukol sa leeg.

Paano nada-diagnose ang pharyngitis o tonsillitis?

Titingnan ng tagapangalaga ng kalusugan ang lalamunan ng iyong anak. Maaaring punasan (i-swab) ng tagapangalaga ng kalusugan ang lalamunan ng iyong anak. Ang swab na ito ay susuriin para sa bakterya na nagdudulot ng impeksiyon na tinatawag na strep throat. Kung kinakailangan, maaaring gawin ang isang pagsusuri ng dugo upang suriin kung may impeksiyon ng virus tulad ng mononucleosis.

Paano ang ginagamot ang pharyngitis o tonsillitis?

Kung ang pamamaga ng lalamunan ng iyong anak ay sanhi ng impeksiyon ng bakterya, maaaring magreseta ang tagapangalaga ng kalusugan ng mga antibayotiko. Kung hindi, maaari mong gamutin ang namamagang lalamunan ng iyong anak sa bahay. Upang gawin ito:

  • Bigyan ang iyong anak ng acetaminophen o ibuprofen para mabawasan ang pananakit. Huwag gumamit ng ibuprofen sa mga batang wala pang 6 na buwang gulang o sa mga batang dehydrated o nagsusuka sa lahat ng oras. Itanong sa tagapangalaga ng pangkalusugan ng iyong anak ang tungkol sa kung gaano karami at kailan ibibigay ang gamot.

  • Huwag bigyan ang iyong anak ng aspirin upang mapawi ang lagnat. Ang paggamit ng aspirin upang gamutin ang lagnat ng mga bata ay maaaring magdulot ng malubhang kondisyon na tinatawag na Reye syndrome.

  • Painumin ang iyong anak ng malamig na likido.

  • Pagmumugin ang iyong anak ng maligamgam na tubig na may asin kung nakakatulong ito na mapawi ang pananakit. Karaniwang inirerekomenda ito para sa mga batang lampas sa edad na 6. Ang mga recipe ay karaniwang nagmumungkahi ng ¼ hanggang ½ kutsarita ng asin sa isang tasa (8 onsa) ng maligamgam na tubig.

  • Subukan ang isang pang-spray sa lalamunan na pampamanhid na nabibili nang walang reseta.

Palaging makipag-usap sa tagapangalaga ng kalusugan ng iyong anak bago bigyan ang iyong anak ng mga gamot na nabibili nang walang reseta, lalo na kung ito ang unang pagkakataon na iinom ng gamot ang iyong anak.

Ano-ano ang mga pangmatagalang alalahanin?

Kung ang iyong anak ay may madalas na pananakit ng lalamunan, dalhin siya sa isang tagapangalaga ng kalusugan. Ang pag-alis ng mga tonsil ay maaaring makatulong na mapawi ang mga paulit-ulit na problema ng iyong anak.

Kailan tatawag sa tagapangalaga ng kalusugan ng iyong anak

Tumawag kaagad sa iyong tagapangalaga ng kalusugan kung o kaya'y ang iyong malusog na anak ay may alinman sa sumusunod:

  • Lagnat (tingnan ang Lagnat at mga bata, sa ibaba)

  • Pamamaga ng lalamunan na nagpapatuloy sa loob ng 2 hanggang 3 araw

  • Namamagang lalamunan na may lagnat, sakit ng ulo, pananakit ng tiyan, o pantal

  • Problema sa pagpihit o pagtuwid ng ulo

Tumawag sa 911

Kung ang iyong anak ay may alinman sa mga sintomas na ito, tumawag sa 911 kaagad:

  • Mga problema sa paglunok o paglalaway

  • Nahihirapang huminga o kailangang dumukwang upang makahinga

  • Problema sa pagbukas ng bibig nang buo

  • Problema sa pagsasalita

  • Balat na kulay asul, lila, o kulay abo

  • Pagkawala ng malay o mga problema sa paggising

  • Pakiramdam na pagkahimatay o nahihilo

  • Kakapusan sa hininga na may mabilis na tibok ng puso

Lagnat at mga bata

Gumamit ng digital na thermometer para suriin ang temperatura ng iyong anak. Huwag gumamit ng mercury thermometer. Mayroong iba't ibang uri at gamit ang mga digital na thermometer. Kabilang sa mga ito ang:

  • Sa puwit. Para sa mga batang wala pang 3 taong gulang, pinakatumpak ang temperatura sa puwit.

  • Noo (temporal). Gumagana ito sa mga batang nasa edad 3 buwan at mas matanda. Kung may mga senyales ng sakit ang batang wala pang 3 buwang gulang, maaari itong magamit bilang unang pass. Maaaring nais kumpirmahin ito ng tagapangalaga gamit ang temperatura sa puwit.

  • Tainga (tympanic). Tumpak ang temperatura sa tainga pagkatapos ng edad na 6 na buwan, ngunit hindi bago ang edad na ito.

  • Kili-kili (axillary). Ito ay hindi gaanong maaasahan ngunit maaaring magamit para sa unang pass upang tingnan ang batang anuman ang edad na may mga palatandaan ng sakit. Maaaring nais kumpirmahin ito ng tagapangalaga gamit ang temperatura sa puwit.

  • Bibig (oral). Huwag gumamit ng thermometer sa bibig ng iyong anak hanggang sa siya ay hindi bababa sa 4 na taong gulang.

Gamitin ang thermometer sa puwit nang maingat. Sundin ang mga direksyon ng gumagawa ng produkto para sa tamang paggamit. Dahan-dahan itong ipasok. Pangalanan ito at tiyaking hindi ginagamit sa bibig. Maaari din itong magpasa ng mga mikrobyo mula sa dumi. Kung hindi ka OK sa paggamit ng thermometer sa puwit, itanong sa tagapangalaga ng kalusugan kung anong uri ang gagamitin sa halip. Kapag makikipag-usap ka sa sinumang tagapangalaga ng kalusugan tungkol sa lagnat ng iyong anak, sabihin sa kanya kung anong uri ang ginamit mo.

Nasa ibaba ang mga patnubay upang alamin kung may lagnat ang iyong maliit na anak. Maaari kang bigyan ng tagapangalaga ng kalusugan ng iyong anak ng iba’t ibang numero para sa iyong anak. Sundin ang mga partikular na tagubilin ng iyong tagapangalaga.

Mga sukat ng lagnat para sa sanggol na wala pang 3 buwang gulang:

  • Una, itanong sa tagapangalaga ng kalusugan ng iyong anak kung paano mo dapat kuhanin ang temperatura.

  • Puwit o noo: 100.4°F (38°C) o mas mataas

  • Kilikili: 99°F (37.2°C) o mas mataas

Mga sukat ng lagnat para sa batang edad 3 buwan hanggang 36 na buwan (3 taon):

  • Puwit, noo, o tainga: 102°F (38.9°C) o mas mataas

  • Kilikili: 101°F (38.3°C) o mas mataas

Tumawag sa tagapangalaga ng kalusugan sa mga kasong ito:

  • Temperatura na paulit-ulit na 104°F (40°C) o mas mataas sa isang bata anuman ang edad

  • Lagnat na 100.4° F (38° C) o mas mataas sa sanggol na mas bata sa 3 buwan

  • Lagnat na tumatagal ng lampas sa 24 na oras sa batang wala pang 2 taong gulang

  • Lagnat na tumatagal ng 3 araw sa batang 2 taong gulang o mas matanda

Online Medical Reviewer: Bass, Pat F III, MD, MPH
Online Medical Reviewer: Image reviewed by StayWell medical illustration team.
Date Last Reviewed: 11/1/2016
© 2000-2025 The StayWell Company, LLC. Lahat ng mga karapatan ay nakalaan. Ang impormasyong ito ay hindi nilalayon bilang kapalit ng propesyonal na medikal na pag-aalaga. Laging sundin ang mga tagubilin ng inyong propesyonal sa pag-aalaga ng kalusugan.
Powered by Krames by WebMD Ignite
About StayWell | Terms of Use | Privacy Policy | Disclaimer