Pagkatapos ng Operasyon ng Pagbubukas ng Puso: Sa Ospital
Ang tagal ng pamamalagi mo sa ospital matapos ang isang open-heart surgery ay depende sa kung anong operasyon ang ginawa at kung ano ang iyong mga pangangailangan. Ito ay maaaring kasing ikli ng 3 hanggang 4 na araw. Kung ikaw ay may mga komplikasyon, ikaw ay maaaring manatili sa ospital ng ilang linggo o mas matagal. Ipagpatuloy ang pagbabasa para matutunan ang mga bagay na dapat asahan sa iyong pagpapagaling sa ospital matapos ang isang open-heart surgery.
Matapos ang Operasyon
Pagkatapos ng iyong operasyon, ikaw ay ililipat sa isang kwarto kung saan ka babawi ng lakas na tinatawag na intensive care unit (ICU). Dito, ikaw ay babantayang maigi ng mga kawani ng ospital. Sa iyong unang paggising:
-
Makararamdam ka ng labis na pagkaantok, pagkauhaw o pagkaginaw, at pananakit ng iyong sikmura. May oras na karaniwang ikaw ay balisa o natataranta matapos ang operasyon sa puso.
-
Ikaw ay mayroong tubo sa iyong lalamunan na konektado sa isang ventilator na tumutulong sa iyong paghinga. Ang tubong ito ay hahadlangan sa iyo para makapagsalita. Ang tubo ay aalisin kapag ikaw ay gising na gising na para huminga sa iyong sarili at ligtas ng gawin ito.
-
Ikaw ay magkakaroon ng linya na nakatusok sa iyong ugat (intravenous line) sa iyong braso o kamay kung saan mo matatanggap ang mga likido at gamot para sa pananakit. Malamang na ikaw din ay magkaroon ng IV sa iyong leeg. Ginagamit din ito upang bigyan ka ng mga likido at gamot at sukatin ang presyon sa loob ng iyong puso upang maging gabay sa iyong pagpapalakas. Ikaw din ay magkakaroon ng linyang arteryal (arterial line), karaniwan sa ugat ng iyong pulso (radial artery), upang mamonitor ang presyon ng iyong dugo at kumuha ng regular na sampol ng dugo.
-
Ikaw ay ikokonekta sa ilang makinarya gamit ang mga kawad. Ang mga ito ang magmomonitor ng iyong vital signs, kabilang na ang tibok ng iyong puso, temperatura, at lebel ng oxygen sa dugo. Maaari ka ring magkaroon ng maliit na peysmeyker (pacemaker) na nakakabit sa mga pansamantalang kawad sakaling may iregular na pagtibok ng puso (arrhythmias) na nangangailangan ng pacemaker.
-
Ang mga tubo (paagusan) sa iyong dibdib ay nagtatanggal ng hangin at mga likido.
-
Ang tubo (catheter) ay nag-aalis ng ihi sa iyong pantog.
-
Maaari ka ring magkaroon ng tubo sa iyong sikmura. Ito ay tumutulong upang maiwasan ang pakiramdam ng kabusugan (bloating) at pagsusuka. Ito ay tatanggalin kapag tinanggal na rin ang tubo para sa paghinga.
-
Ang iyong pulso ay maaaring malumanay na itali upang di mo aksidenteng mahugot ang alinman sa mga tubo o kawad.
Ang mga miyembro ng iyong pamilya ay maaaring bumisita pagkatapos ng operasyon. Dapat nilang malaman na ikaw ay may mga tubo at kawad na nakakonekta sa iyong katawan. Ikaw ay magmumukang maputla at ang iyong mukha at katawan ay magmimistulang maga. Ang lahat ng ito ay normal. Ikaw ay wala pang kakayahang makipag-usap sa kanila dahil sa tubo sa iyong lalamunan. Maaari kang tulungan ng nars na makipag-usap kung ito ay iyong kinakailangan.
Ang mga Susunod na Araw
-
Isang nars ang palaging nakaantabay sa loob ng ICU. Ikaw ay minomonitor ng walang patid.
-
Sa paglipas ng oras, mas mararamdaman mo na ikaw ay nagigising. Ngunit ikaw ay maaaring hindi makatulog ng mabuti. Ang ICU ay isang lugar na maraming ginagawa. Ang mga ilaw ay palagiang nakabukas at maaaring maging maingay. Maaari kang magising sa gitna ng gabi para sa pagsusuri ng dugo o mga X-ray, ng sa gayon ang mga resulta ay makikita ng doktor pagdating ng umaga. Kailangan ding i-check ng mga nars ang iyong sugar sa dugo kada oras, kahit na ikaw ay walang dyabetis. Ito ay mahalaga upang maiwasan ang panganib ng mga komplikasyon.
-
Ikaw ay makatatanggap ng gamot para sa pananakit, ngunit maaari ka pa ring makadama ng pananakit. Sabihin kaagad sa nars pag ikaw ay nakadama ng pananakit. Huwag ng hintayin na lumala ang pananakit bago ito banggitin.
-
Ang tubo para sa paghinga na nasa iyong lalamunan ay tatanggalin kapag kaya mo ng huminga sa iyong sarili. Kapag ang tubo para sa paghinga ay naalis, malamang na makatanggap ka ng oxygen sa pamamagitan ng mask o maliit na prongs sa iyong ilong. Ang iba pang mga paagusan (drains), tubo, kawad, at aparatong pangmonitor ay inaalis kapag hindi mo na kailangan ang mga ito.
-
Maaari mong marinig o maramdaman ang pag-click sa iyong dibdib kapag ikaw ay huminga o gumalaw. Ito ay normal at mawawala din pagkalipas ng oras. Ang buto sa gitna ng dibdib (breastbone) ay hinati (pinaghiwalay) sa operasyon upang magkaroon ng daan patungo sa puso. Pagkatapos, ito ay pinagsamang muli gamit ang mga alambre. Pagkatapos gumaling ng breastbone, ang ingay ay dapat ng mawala.
-
Kapag ikaw ay handa ng umalis ng ICU, ikaw ay maaaring tumungo sa isang coronary care unit (CCU) para sa mas espesyal na pangangalaga. O maaari kang pumunta sa isang regular na kwarto sa ospital. Ikaw pa rin ang nakakabit sa isang maliit na portable na pangmonitor ng puso, ngunit maaari mong makita na mas madali upang matulog.
Pamamahala ng Pananakit
Upang makatulong sa iyo na pamahalaan ang pananakit pagkatapos ng operasyon, bibigyan ka ng gamot sa pananakit. Ikaw ay maaaring bigyan ng iniinom na gamot para sa pananakit sa regular na iskedyul. Kung ang mga gamot ay hindi makontrol ang pananakit, sabihin sa iyong nars. Sa ilang mga kaso, ikaw ang magbibigay ng iyong sariling gamot sa pamamagitan ng isang PCA (patient-controlled analgesia) pump. Ang pump na ito ay nagpapahintulot sa iyo upang itulak ang isang pindutan upang makatanggap ng isang ligtas na dosis ng gamot para sa pananakit. Ang gamot ay ibinigay sa pamamagitan ng isang linyang IV. Maaari ka lamang makatanggap ng isang tiyak na halaga ng gamot sa bawat oras, kaya hindi ka maaaring makakuha ng masyadong marami.
Mga Ehersisyo sa Paghinga at Pag-ubo
Ikaw ay magkakaroon ng ilang mga likido sa iyong mga baga pagkatapos alisin ang tubo para sa paghinga. Kung tuluy-tuloy na ito ay nangolekta sa iyong baga maaari kang magkaroon ng pulmonya (pneumonia). Upang maiwasan ang pulmonya, ang isang respiratory therapist o nars ay makakatulong sa iyo na matutuhan ang malalim na paghinga at mga ehersisyo sa pagubo. Gawin ang mga ehersisyong ito batay sa tagubilin. Habang ginagawa ang ehersisyo ng pagubo ay maaaring makaranas ng pananakit ng dibdib. Kung maramdaman ito, sabihin agad sa iyong nars. Ang mga gamot para sa pananakit ay makakatulong upang mas mapadali ang mga ehersisyong ito. Ang paghawak ng isang unan na nakalapat sa dibdib ng maigi habang gingwa ang ehersisyo ng pagubo ay makakatulong din. Para sa ehersisyo ng paghinga, maaaring gumamit ng isang aparato na tinatawag na incentive spirometer. Ang paggamit ng aparato na ito ay tumutulong sa iyong mga baga na makabawi. Ikaw ay malamang na magkaroon ng mga gamot sa pananakit upang matulungan kang huminga ng mas komportable. Maaaring may plema o secretions sa iyong lalamunan, lalo na kung naninigarilyo ka. Minsan ay mahirap tanggalin ang mga plema at secretions na ito palabas ng iyong lalamunan, ngunit mahalaga na ito ay magawa.
Aktibidad
Sa sandaling ang tubo para sa paghinga ay naalis na at ang iyong mga vital signs ay nasa ayos, isang nars o physical therapist ang tutulong na ikaw ay magsimulang kumilos sa paligid. Ito ay mangyayari ng maaga sa iyong pagpapalakas habang ikaw ay nasa loob padin ng ICU. Ang pagkilos sa paligid ay nagpapabuti ng sirkulasyon, nagbabawas ng pamamaga at tumutulong maiwasan ang mga namuong dugo at pulmonya. Maaari kang magsimula sa pamamagitan ng pag-upo lamang sa gilid ng kama o paglipat ng may tulong mula sa kama patungo sa isang upuan. Kapag ikaw ay lubusan nang magaling, isang tauhan ang tutulong sa iyo na tumayo at maglakad. Sa umpisa, ikaw ay madaling mapapagod. Sabihin sa nars kung ikaw ay nakararamdam ng pagkahilo o hindi makahinga.
Maaari ka ng mag-umpisa ng cardiac rehabilitation (rehab) sa ospital. Ito ay programa para sa mga ehersisyo at edukasyon. Ito ay makakatulong sa iyong makabawi pagkatapos ng operasyon at mabawi ang iyong lakas. Makakatulong din ito na bawasan ang iyong panganib sa pagkakaroon ng problema sa puso sa hinaharap. Karamihan sa iyong rehabilitasyon ay magaganap pagkatapos mong umuwi sa bahay at makabawi mula sa iyong operasyon.
Pagkain
Sa una, ikaw ay bibigyan lamang ng likido upang inumin. Habang ikaw ay nakakayanan ng kumain, bibigyan ka ng mga solido na pagkain. Ikaw ay malamang na hindi magkaroon ng ganang kumain habang ikaw ay nasa ospital. Ikaw ay maaaaring makaramdam ng pagduduwal o walang gana na kumain. Ito ay normal. Kapag ikaw ay kumakain, maaari mong mapansin na nawala ang iyong panlasa. Ito ay dapat mawala sa loob ng ilang araw o linggo habang nawawala ng unti-unti ang epekto ng anestisya at gamot para sa pananakit. Ang gamot para sa pananakit ay maaaring makapagpabagal ng iyong bituka at magdulot ng hirap na pagdumi (constipated). Kung ikaw ay hirap dumumi, sabihin sa iyong nars. Maaari kang bigyan ng pampalambot ng dumi, o ibang bagay upang tulungan kang pagalawin ang iyong bituka.
Paguwi
Ang iyong doktor ang magsasabi sa iyo kung kelan okay para sa iyo na umuwi. Magkaroon ng isang nakatatandang miyembro ng pamilya o kaibigan na handa kang sunduin at ihatid. Tiyakin na mayroon kang numero para sa iyong manggagamot o ospital. Ito ay kung sakaling mayroon kang problema o tanong pagkatapos ng pamamaraan.
Bago umalis sa ospital, bibigyan ka ng mga tagubilin para sa kung paano pangalagaan ang iyong sarili sa bahay. Kabilang dito ang pag-aalaga sa iyong hiwa at gumagaling na breastbone, pag-inom ng mga gamot, at pagiging aktibo. Maaaring kailanganin mo ng oxygen sa bahay. Kung gayon, ikaw ay tuturuan pano ito gamitin. Ikaw din ay bibigyan ng mga petsa at oras para sa pagbalik mong muli sa doktor na siyang gumawa ng operasyon (surgeon), doktor sa puso (cardiologist) at pangunahing doktor (primary care doctor). Ang iyong doktor ay maaaring magrekumenda ng rehabilitasyon para sa puso matapos ang operasyon. Ang rehabilitasyon ay tumutulong sa iyo na mas lumakas bago umuwi at maaaring tumagal ng ilang araw hanggang sa ilang linggo.