Pagkatapos ng Operasyon sa Likod: Ang Iyong Pagpapagaling sa Ospital
Pagkatapos ng operasyon, dadalhin ka sa recovery room, tinatawag ding PACU (post-anesthesia care unit). Mananatili ka roon hanggang ganap ka nang gising at matatag. Pagkatapos, dadalhin ka sa iyong kuwarto sa ospital. Magdedepende ang haba ng iyong pananatili sa kung anong uri ng operasyon ang ginawa sa iyo, sa iyong pangkalahatang kalusugan, at kung gaano kabuti ka gumagaling. Malamang na makakatayo ka na sa loob ng 24 na oras pagkatapos ng operasyon. Tuturuan ka ng isang nurse o physical therapist kung paano suportahan ang iyong sarili, bumaling, at bumangon sa kama nang ligtas.
Pagkatapos ng operasyon
Kapag nagising ka mula sa operasyon, maaaring makaramdam ka na nahihilo, nauuhaw, o nanlalamig. Maaaring masakit ang iyong lalamunan. Sa loob ng ilang araw, maaari ka ring magkaroon ng:
-
Mga tubo upang alisan ng tubig ang hiwa
-
Isang IV (intravenous) para bigyan ka ng mga likido at gamot
-
Isang catheter (tubo) upang alisan ng tubig ang iyong pantog
-
Mga boots, compression device, o espesyal na medyas sa iyong mga binti upang makatulong na maiwasan ang pamumuo ng dugo
-
Isang sensor na nakakabit sa iyong daliri upang siguraduhin na humihinga ka nang mabuti
-
Mga lead ng electrocardiogram (ECG) upang manmanan ang iyong puso
-
Iba't ibang gamot para kontrolin ang pananakit at pigilin ang impeksyon at mga pamumuo ng dugo
-
Mga pampalambot ng dumi upang tumulong na maiwasan ang pagtitibi dahil sa hindi pagkilos at paggamit ng inireresetang gamot para sa pananakit
-
Kung naninigarilyo ka, maaaring gamitin ang nicotine patch upang mabawasan ang tukso na manigarilyo
Pagkontrol ng pananakit
Malamang na magkaroon ka ng kawalan ng ginhawa pagkatapos ng operasyon. Maaari kang bigyan ng iniinom o IV na gamot sa pananakit. O maaari kang magkaroon ng PCA (patient-controlled analgesia) pump. Hinahayaan ka ng pump na bigyan ang iyong sarili ng kaunting dami ng gamot sa pananakit. Normal ang kaunting pananakit kahit may gamot. Ngunit kung sobrang hindi kumportable ang iyong nararamdaman, sabihin sa iyong nurse. Madalas na nangangahulugan ang paggamot sa pananakit bago ito maging matindi na gagamit ka ng mas kaunting gamot sa pananakit sa pangkalahatan.
Pagbangon at paggalaw
Di-nagtagal pagkatapos ng operasyon, hihikayatin ka na tumayo at lumakad. Tumutulong ito sa sirkulasyon ng iyong dugo at pinipigil ang pagtitibi. Pinipigil din nito na maipon ang likido sa iyong mga baga. Upang matulungan kang gumalaw, maaari kang bigyan ng brace upang suportahan ang iyong gulugod. Maaari ka ring magpatingin sa isang physical therapist na magtuturo sa iyo ng mga paraan upang protektahan ang iyong gulugod habang nakahiga, nakaupo, nakatayo, o gumagalaw. Hihikayatin ka ring gumamit ng isang incentive spirometer upang tulungan ang iyong mga baga na lumaki upang maiwasan ang pulmonya.
 |
Habang nasa ospital, tutulong at magtuturo ang iyong physical therapist ng mga tamang paraan upang humiga at bumangan sa kama upang suportahan ang iyong gulugod. |
Pagsuporta sa iyong gulugod
Sinusuportahan ng mga kalamnan ng tiyan ang gulugod. Tumutulong ang pagpapasikip sa mga kalamnan na ito na "suportahan" ang sarili mo na maiwasan ang pananakit at muling pagkapinsala.
-
Ilagay ang iyong mga kamay sa ibabang bahagi ng iyong tiyan. Banayad na pasikipin ang iyong mga kalamnan ng tiyan sa pamamagitan ng paghila paloob ng iyong tiyan. Huminga nang normal nang hindi inirerelaks ang iyong tiyan.
-
Maaari kang bigyan ng brace upang panatilihing matatag ang iyong likod. Kung gayon, ipapakita sa iyo kung paano isuot ito.
Online Medical Reviewer:
Anne Fetterman RN BSN
Online Medical Reviewer:
Luc Jasmin MD
Online Medical Reviewer:
Raymond Kent Turley BSN MSN RN
Date Last Reviewed:
12/1/2021
© 2000-2025 The StayWell Company, LLC. Lahat ng mga karapatan ay nakalaan. Ang impormasyong ito ay hindi nilalayon bilang kapalit ng propesyonal na medikal na pag-aalaga. Laging sundin ang mga tagubilin ng inyong propesyonal sa pag-aalaga ng kalusugan.