Health Encyclopedia
Search Clinical Content Search Health Library
A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z A-Z Listings

Diabetes at ang Iyong Anak: Pagsasaalang-alang sa Insulin Pump

Insulin pump.
Ang insulin pump ay kasukat ng isang pager o cell phone. Ito ay madaling isuot sa ilalim ng damit ng iyong anak.

May diabetes ang iyong anak. Kailangang mabigyan siya ng hormone na tinatawag na insulin. Tumutulong ang insulin na mabigyan ang mga selula ng iyong anak ng enerhiya na kailangan ng mga ito para gumana. Pinakamadalas na itinuturok ang insulin. Ginagawa ito gamit ang isang karayon at hiringgilya. Kailangan ng karamihang batang may diabetes ng ilang turok kada araw. 

Isang aparatong tinatawag na insulin pump ang maaari ding gamitin upang magbigay ng insulin. Maaaring makatulong ang pump na bawasan ang bilang ng mga turok na kailangan ng iyong anak. Kaya kang bigyan ng insulin pump ng mas maraming pagpipilian tungkol sa plano ng paggamot ng iyong anak. Natutuklasan ng maraming magulang at mga bata na tumutulong ang insulin pump na mapabuti ang pagkontrol ng asukal sa dugo sa paglipas ng panahon.

Ngunit mayroon ngang ilang sagabal ang mga pump. Maaari kang tulungan ng tagapangalaga ng kalusugan ng iyong anak na magpasya kung matalinong pagpili ang insulin pump. Mayroong iba't ibang uri ng mga pump. Matutulungan ka ng tagapangalaga ng kalusugan na maintindihan kung paano gumagana ang bawat uri.

Paano gumagana ang insulin pump

Isang maliit na aparato ang insulin pump. Halos isang cell phone ang laki nito. Dumadaloy ang insulin mula sa pump patungo sa katawan sa pamamagitan ng isang manipis na plastik na tubo. Nakakabit ang tubo sa isang malambot, nababaluktot na tubong tinatawag na cannula. Inilalagay sa ilalim ng balat ang cannula.

Makapagbibigay ang pump ng tuluy-tuloy na dosis ng insulin. Tinatawag itong basal dose. Gumagana ito tulad ng natural na paglabas ng insulin ng katawan. Maaari ding magbigay ang pump ng iisang dosis. Maaaari itong ibigay bago kumain. O maaari itong gawin upang itama ang mataas na asukal sa dugo. Tinatawag itong bolus dose.

Palaging isinusuot ang pump, araw at gabi. Madali itong maitago sa ilalim ng maluwag na damit. O maaari itong mai-clip sa isang waistband o sinturon. Ngunit maaari itong tanggalin nang maikling oras para sa paliligo o pagsa-shower.

Mga benepisyo ng insulin pump

Kasama sa ilang benepisyo ng insulin pump ang:

  • Binabawasan nito ang bilang ng turok na kailangan (mainam kung takot ang iyong anak sa mga karayom).

  • Maaaring maibigay nang mas eksakto ang mga dosis ng insulin kaysa mga turok.

  • Gumagana ito nang mas katulad ng natural na paglalabas ng insulin ng katawan kaysa mga pagturok.

  • Hinahayaan nito ang parehong mabilis at tuluy-tuloy na paghahatid ng insulin.

  • Binibigyan nito ang iyong anak ng mas maraming kalayaan sa kung ano at kailan siya kakain kaysa mga turok.

  • Maaari itong humantong sa mas kaunting napakataas at napakababang sukat kaysa mga pagturok.

  • Maaari nitong pabutihin ang numerong A1C ng iyong anak.

Mga panganib ng insulin pump

Mayroon ding ilang panganib ang pump. Kasama sa mga ito ang:

  • Maaaring hindi nito pabutihin ang mga numero ng asukal sa dugo ng iyong anak.

  • Maaaring kailangang suriin ang asukal sa dugo nang mas madalas kaysa mga pagturok.

  • Maaaring kailangang suriin ang mga ketone nang mas madalas kaysa mga pagturok. Tuturuan ka ng tagapangalaga ng kalusugan ng iyong anak kung paano suriin ang mga ketone.

  • Maaaring nakikita ng iba ang pump, na maaaring hindi magustuhan ng iyong anak.

  • Maaaring hindi ito saklawin ng insurance sa kalusugan.

  • Maaari nitong itaas ang panganib ng iyong anak sa pagbigat ng timbang at mga impeksiyon.

  • Maaari nitong pataasin ang panganib ng diabetic ketoacidosis (DKA) ng iyong anak kung tumigil ang paggana ng pump o tubo. Tingnan ang "Pag-unawa sa mga panganib ng diabetic ketoacidosis (DKA)" sa ibaba.

Iba pang bagay na aalamin

Maaaring gamitin ang insulin pump sa batang anuman ang edad, kahit sa sanggol. Upang makatulong na magpasya kung tama ang pump para sa iyong anak, pag-isipan ang mga bagay na ito:

  • Mas mahalaga ang pagbibilang ng mga carb kaysa mga pagturok.

  • Maaari pa ring mangailangan ang iyong anak ng madalas na pagsusuri ng asukal sa dugo.

  • Kakailanganin mong maingat na panatilihin ang mga rekord ng mga sukat ng asukal sa dugo ng iyong anak.

  • Dapat pa ring maibigay ang mga iisang dosis ng insulin bago kumain.

  • Dapat mong bantayang mabuti ang iyong anak para sa mga sintomas ng mataas o mababang asukal sa dugo.

  • Dapat na interesado ang isang mas matandang anak sa pump at handang isuot ito.

  • Kailangan mo at ng iyong anak ng espesyal na pagsasanay. Pareho kayo ng iyong anak na dapat na mangakong pag-aralan kung paano gumagana ang pump at kung paano ito gamitin nang ligtas.

  • Dapat kang lubos na makipagtulungan sa paaralan ng iyong anak upang masigurong napapangasiwaan ang pangangalaga sa diabetes ng iyong anak.

  • Kakailanganin mo ang isang suportang tao na sinanay sa pamamahala ng pump kapag may emergency.

Pag-unawa sa mga panganib ng diabetic ketoacidosis (DKA)

Isang seryosong kondisyon ang diabetic ketoacidosis (DKA) na maaaring mangyari kung hindi makuha ng iyong anak ang kailangang insulin. Puwede itong humantong sa coma. Kung minsan maaari itong humanton sa kamatayan. Kung tumigil ang paggana ng insulin pump, maaaring mangyari kaagad ang DKA.

  • Makipag-usap sa tagapangalaga ng kalusugan ng iyong anak tungkol sa mga panganib ng DKA.

  • Pag-aralan kung ano ang gagawin kung pumalya ang pump sa anumang dahilan.

  • Bantayang mabuti ang asukal sa dugo ng iyong anak. Ito lang ang tanging paraan upang maging siguradong nakukuha niya ang kailangang insulin.

  • Palaging dalhin ang mga supply sa diabetes.

  • Maging handang bigyan kaagad ang iyong anak ng turok ng insulin kung kailangan.

 Tandaan

Hindi ibinibigay ng pahinang ito ang lahat ng impormasyon na kailangan mo para alagaan ang iyong anak na may diabetes. Magtanong sa tagapangalaga ng kalusugan ng iyong anak para sa karagdagang impormasyon.

Online Medical Reviewer: Marianne Fraser MSN RN
Online Medical Reviewer: Raymond Kent Turley BSN MSN RN
Online Medical Reviewer: Robert Hurd MD
Date Last Reviewed: 2/1/2022
© 2000-2025 The StayWell Company, LLC. Lahat ng mga karapatan ay nakalaan. Ang impormasyong ito ay hindi nilalayon bilang kapalit ng propesyonal na medikal na pag-aalaga. Laging sundin ang mga tagubilin ng inyong propesyonal sa pag-aalaga ng kalusugan.
Powered by Krames by WebMD Ignite
About StayWell | Terms of Use | Privacy Policy | Disclaimer