Health Encyclopedia
Search Clinical Content Search Health Library
A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z A-Z Listings

Pag-iwas na Matumba: Sa Ospital

Sa ilang kalagayan, ikaw o ang iyong mahal sa buhay ay maaaring mangailangan ng pangangalaga sa ospital o sa ibang pasilidad. Maaaring may magtanong kung gaano ka nakakakilos sa paligid. Tapatang sagutin ang tanong na ito. Nagkompleto ang kawani ng pagtaya sa panganib ng pagkatumba na may kasamang mga tanong tungkol sa mga bagay na nagpapataas ng iyong panganib na matumba. Kung ikaw ay may mataas na panganib na matumba, gagawa ang kawani ng dagdag na mga hakbang para panatilihing ligtas ka. Maaaring bigyan ka ng pulseras na isusuot na mag-aalerto sa kawani na ikaw ay nanganganib na matumba. Tandaan, laging humingi ng tulong kapag kailangan mo nito. Narito ang impormasyon tungkol sa mga pagkatumba at ng ilang tip na pangkaligtasan.

Bakit maaaring mangyari ang mga pagkatumba

  • Maaaring nahihilo o inaantok ka dahil sa mga gamot na iniinom mo. Ito ay maaaring umakay sa pagkatumba. Kabilang sa karaniwang mga gamot na nagdudulot ng mga side effect ang mga gamot para sa presyon ng dugo, sakit sa puso, pananakit, pampatulog, at depresyon.

  • Maaaring makadama ka ng panghihina o kawalan ng katatagan sa iyong mga paa dahil sa isang kamakailang operasyon, pamamaraan, o gamutan.

  • Maaaring makadama ka ng pagkaliyo, pagkahilo, o panghihina dahil sa pagkakasakit o dahil gutom o kulang sa pahinga.

  • Maaaring hindi ka pamilyar sa iyong paligid noong magising ka.

Mga bagay na pagpapataas ng panganib na matumba

  • Dating pagkatumba o kamakailang kasaysayan sa pagkatumba

  • Katandaan

  • Kasariang babae

  • Ilang partikular na gamot, pagbabago ng mga gamot, o pagbabago sa dosis o kung gaano kadalas mo iniinom ang mga gamot

  • Pisikal na kapansanan

  • Panghihina sa ibabang bahagi ng katawan

  • Hirap sa paglakad o balanse

  • Paggamit ng pantulong sa paglalakad tulad ng andador, tungkod, o saklay

  • Kailangan ng madalas na pagpunta sa kubeta o kawalan ng kontrol sa pag-ihi

  • Mga problema sa paningin o pandinig

  • Mga problema sa pag-iisip

  • Hindi gumagaling (chronic) na kundisyong pangkalusugan, gaya ng arthritis diabetes o sakit sa puso

  • Biglang pagbaba ng presyon ng dugo kapag tumatayo ka (orthostatic hypotension)

  • Depresyon

  • Paligid na may mga panganib sa pagkatumba. Maaaring kasama dito ang ilang partikular na mga device na pampasyente tulad ng IV (intravenous) line, IV pole, o bladder catheter.

Panatilihing abot-kamay ang mga bagay

  • Panatilihing madaling maabot ang mga madalas mong ginagamit na bagay. Kasama rito ang pindutan ng tawag, salamin sa mata, hearing aid, telepono, lalagyan ng barya, pitaka, mga aklat, mga tissue, tubig, remote control, at light cord.

  • Sa harap ng nurse, sanayin na gumamit ng pindutan ng tawag bago mo aktuwal na kailanganin nito. Panatilihin itong abot-kamay. At huwag kang matakot na gamitin ito kapag kailangan mo!

  • Alamin kung paano i-on at i-off ang ilaw mula sa iyong higaan. Alamin din kung paano gagamitin ang kontrol ng higaan.

Tagapagbigay ng pangangalagang pangkalusugan na nag-aasikaso sa lalaki sa higaan sa intensive care unit.
Tiyaking alam mo kung paano tatawag ukot sa tulong habang nasa ospital.

Magpatulong sa pagkilos sa paligid

  • Huwag bumangon nang mag-isa, kahit kapag gagamit ng banyo. Tumawag ng tutulong sa iyo. Depende sa kung gaano kalubha ang iyong sakit, maaaring may kawani ang iyong ospital para tulungan kang umupo, lumakad, at palaging nasa tabi mo. Madalas tinatawag itong sinanay na miyembro ng kawani na attendant para sa kaligtasan ng pasyente. Maaaring may sinanay na attendant para sa kaligtasan ng pasyente ang ilang ospital para mag-monitor sa iyo mula sa isa pang lugar sa pamamagitan ng video. Magtanong sa iyong ospital para malaman ang higit pa.

  • Umupo nang dahan-dahan at may tulong ng iba.

  • Kapag bumabangon mula sa higaan, umupo sa gilid ng higaan bago tumayo. Dahan-dahang tumayo. Nagdudulot sa iyo ng pagkahilo ang ilang gamot o kundisyon kapag nagbago ka ng posisyon.

  • Magsuot ng hindi madulas, kasyang kasya sa iyo na sapin sa paa kapag naglalakad.

  • Huwag subukang ilipat ang IV pole o iba pang kagamitan nang mag-isa.

  • Gamitin ang iyong pantulong sa paglalakad ayon sa itinagubilin ng kawani. Gumamit ng mga hawakan ng kamay sa banyo o sa mga pasilyo.

  • Magsuot ng gait belt. Maaaring gamitin ng kawani ang gait belt para ligtas ka kapag kumikilos ka sa paligid. Mahigpit itong nakalagay sa iyong baywang. Nagagamit ito ng iba para alalayan ka habang magkasabay kayong naglalakad.

Maaaring may alarm set ka sa iyong higaan o sa upuan sa ospital. Aalertohin ng alarm ang kawani kapag susubukan mong tumayo nang walang tulong nila. Nakakatulong itong maiwasan mo na matumba kung makalimutan mo o pipiliin mong hindi gamitin ang iyong pundutan na pantawag o tulong bago tumayo.

Depende sa iyong panganib sa mga pagkatumba, maaaring kailangan ng isang kawani na malapit sa iyo para maiwasan kang matumba. Maaaring kasama dito ang kapag naglalakad ka, kapag gumagamit ng banyo, o gumagawa ng bagay kapag wala ka sa higaan o sa upuan.

Mga tip para sa mga bisita at pamilya

Kapag may sakit ang isa o nasa ospital, malamang na mangyari ang pagkatumba. Puwede mong matulungan ang iyong mahal sa buhay na mabawasan ang panganib:

  • Panatilihin ang mga personal na bagay sa iisang lugar. Manatili sa rutina.

  • Alamin ang tungkol sa mga tagubilin na ibinigay ng kawani para maiwasan ang pagkatumba. Sundin ang mga ito.

  • Humingi ng patnubay sa paggamit ng kagamitang pangkaligtasan at kapag inililipat mo ng lugar ang iyong mahal sa buhay.

  • Kapag may sinasabi kang dapat gawin ng iyong mahal sa buhay, panatilihin itong simple. Gawin na paisa-isang hakbang.

  • Sabihin sa kawani ang tungkol sa anumang mental o pisikal na mga pagbabago na napapansin mo sa iyong mahal sa buhay.

Online Medical Reviewer: Jessica Gotwals RN BSN MPH
Online Medical Reviewer: Steven Buslovich MD
Online Medical Reviewer: Tennille Dozier RN BSN RDMS
Date Last Reviewed: 12/1/2022
© 2000-2025 The StayWell Company, LLC. Lahat ng mga karapatan ay nakalaan. Ang impormasyong ito ay hindi nilalayon bilang kapalit ng propesyonal na medikal na pag-aalaga. Laging sundin ang mga tagubilin ng inyong propesyonal sa pag-aalaga ng kalusugan.
Powered by Krames by WebMD Ignite
About StayWell | Terms of Use | Privacy Policy | Disclaimer