Patient Education
Search Clinical Content Search Health Library
A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z A-Z Listings

Paano Suriin ang Iyong Asukal sa Dugo

Mahalagang bahagi ng pangangalaga sa sarili ang pagsubaybay sa kung gaano karaming asukal (glucose) ang nasa iyong dugo kapag mayroon kang diabetes. Tinatawag din itong sariling pagmo-monitor ng glucose sa dugo (SMBG). Upang masiguro na balanse ang iyong glucose at insulin, tingnan ang iyong asukal sa dugo ayon sa itinagubilin ng iyong tagapangalaga ng kalusugan. Maaaring kailanganin mong tingnan ang lebel ng iyong asukal sa dugo sa ilang pagkakataon araw-araw. O maaaring kailanganin mong tingnan ang mga ito nang ilang beses lamang sa isang linggo. Isipin ang tungkol sa pagtuturo sa isang malapit na miyembro ng pamilya o kaibigan kung paano mag-test at magrekord ng iyong glucose sa dugo. Maaaring makatulong ang ekstrang suportang ito kung magkasakit ka.

Ano ang kailangan mo

Upang suriin ang iyong asukal sa dugo, siguraduhing mayroon ka ng sumusunod: 

  • Isang maliit na karayom na pantusok (device na panghiwa)

  • Mga test strip

  • Isang glucose meter. Siguraduhin na tumutugma ang mga test strip sa glucose meter.

  • Isang notebook, tsart, o log book at pen o lapis

Paggamit ng blood glucose meter

Maaari mong tingnan ang iyong asukal sa dugo sa bahay, sa trabaho, at saanman. Tutulungan ka ng iyong diabetes team na pumili ng blood glucose meter. Sinusukat ng meter ang dami ng glucose sa isang maliit na patak ng dugo. Gagamit ka ng device na tinatawag na lanseta upang kumuha ng patak ng dugo. Ilagay muna ang strip sa meter. Pagkatapos, ihipo ang test strip sa patak ng dugo. Pagkatapos, magbibigay sa iyo ang meter ng numero (sukat) na nagsasabi sa iyo ng lebel ng iyong asukal sa dugo.

Isang babaeng may hawak na glucometer at nagsusulat sa blood glucose log.

Puntiryahin ang iyong target na range

Dapat nasa iyong target na range ang iyong asukal sa dugo—hindi napakataas at hindi napakababa. Ang target na range ay kung saan pinakamalusog ang iyong lebel ng asukal sa dugo. Makatutulong ang pananatili sa range na ito hangga't maaari na mapababa ang iyong panganib para sa mga problema sa kalusugan (mga kumplikasyon). Tutulungan ka ng iyong diabetes team na alamin ang pinakamahusay na target na range para sa iyo. Nakadepende sa maraming bagay ang range na iyon. Kasama sa mga ito ang iyong edad, iba pang problema sa kalusugan, gaano kahusay na nakokontrol ang iyong diabetes, at kung gaano katagal ka nang may diabetes. Sa pangkalahatan, ang mga target na range ay:

  • Pagkontrol ng glucose sa dugo (hemoglobin A1c o A1c). Dapat karaniwan itong 7.0% o mas mababa. Karaniwang gagawin mo ang pagsusuring ito sa laboratoryo.

  • Bago kumain (preprandial glucose). Ang target na range ay nasa pagitan ng 80 at 130 mg/dL.

  • 1 hanggang 2 oras matapos kumain (postprandial glucose). Ang range ay mas mababa sa 180 mg/dL.

  • Bago matulog. Ang range ay dapat karaniwang nasa pagitan ng 90 at 150 mg/dL.

Subaybayan ang iyong mga sukat

Gumamit ng notebook, tsart, o log book upang subaybayan ang iyong mga sukat. Isulat ang petsa, oras, at ang mga numero ng lebel ng iyong asukal sa dugo. Tumutulong ito na makita ang mga pattern, gaya ng mataas na asukal sa dugo matapos kumain ng ilang pagkain. Dalhin ang iyong talaan kapag magpapatingin ka sa iyong tagapangalaga ng kalusugan. Sa iyo ring notebook, isulat ang anumang tanong na mayroon ka para sa iyong tagapangalaga. Maaari ding mayroon silang elektronikong medikal na rekord na nag-aalok ng kapaki-pakinabang na mga tool at opsyon sa pagsubaybay.

Tutulong ang iyong mga lebel ng glucose sa dugo sa iyong tagapangalaga na magpasya kung kailangan niyang gumawa ng anumang pagbabago sa iyong plano ng pamamahala. Upang suriin ang iyong asukal sa dugo, sundin ang mga hakbang sa ibaba

Hakbang 1. Maghanda

  • Hugasan ang iyong mga kamay gamit ang sabon at malinis, dumadaloy na tubig nang hindi bababa sa 20 segundo.

  • Sundin ang lahat ng tagubilin na kasama ng iyong glucose meter. Siguraduhin na nakadisenyo ang iyong mga test strip na gagamitin sa iyong meter at hindi pa nag-expire. 

Hakbang 2. Kumuha ng patak ng dugo

  • Tusukin ang bahagi ng iyong daliri gamit ang lanseta. Marahang pigain hanggang makakuha ka ng isang patak ng dugo. Maaaring magdulot ng hindi tumpak na sukat ang labis na pagpiga.

  • Ilagay ang lanseta sa isang espesyal na sisidlan ng matatalas na bagay. Itanong sa iyong pangkat ng pangangalaga ng kalusugan kung saan ka makabibili ng isa o kung ano ang maaari mong gamitin upang itapon ang anumang matatalas na bagay.

  • Kung hindi ka makakuha ng sapat na dugo, hawakan ang iyong kamay sa iyong gilid at marahan itong kalugin. Kung karaniwang problema ito para sa iyo, itanong sa iyong tagapangalaga kung maaari kang gumamit ng ibang bahagi ng iyong katawan upang kuhanan ng dugo.

Hakbang 3. Ilagay ang patak ng dugo sa strip

  • Hintayin ang meter na magpakita ng mensahe o simbolo na oras na para magsuri.

  • Ihipo ang test strip sa patak ng dugo.

  • Sundin ang mga tagubilin na kasama ng meter.

Hakbang 4. Basahin at irekord ang iyong mga resulta

  • Hintayin ang iyong meter na magpakita ng resulta.

  • Kung makakita ka ng mensahe na may error, suriin muli gamit ang bagong strip at sariwang patak ng dugo. Suriin ding muli kung ang mga numero ng glucose ay hindi ang iyong inaasahan—napakababa nang walang sintomas, o napakataas nang walang dahilan.

  • Isulat ang mga resulta sa iyong log book. Dalhin ang iyong log book sa iyong susunod na appointment.

Online Medical Reviewer: Marianne Fraser MSN RN
Online Medical Reviewer: Raymond Kent Turley BSN MSN RN
Online Medical Reviewer: Robert Hurd MD
Date Last Reviewed: 11/1/2021
© 2000-2026 The StayWell Company, LLC. Lahat ng mga karapatan ay nakalaan. Ang impormasyong ito ay hindi nilalayon bilang kapalit ng propesyonal na medikal na pag-aalaga. Laging sundin ang mga tagubilin ng inyong propesyonal sa pag-aalaga ng kalusugan.
Powered by Krames by WebMD Ignite
About StayWell | Terms of Use | Privacy Policy | Disclaimer